Mensahe ng Santo Papa sa Linggo ng Pandaigdigang Misyon
"Kasama ang Kabataan, Halina't ibahagi ang Mabuting Balita sa lahat!"
Minamahal kong kabataan, nais kong pagnilayan natin ang misyon na tinanggap natin mula kay Kristo. na sinasabi ko sainyo, at sa bawat Kristiyanong kasama nating namumuhay at naglalakbay bilang mga anak ng Diyos. Nais kong iparating na ang ating pananampalataya bilang kristiyano ay nanatiling buhay at bukas sa misyon na ipinagkatiwala sa atin ni Kristo. “Ang Misyon ay nagpapalakas ng pananampalataya” ayon sa Dating Santo Papa na si San Juan Pablo II. Ang santo papa na nagpakita ng dakilang pagmamahal at pagbibigay pansin para sa mga kabataan.
Ang kapulungan pangsimbahan na gaganapin sa Roma ngayong darating na Oktubre, buwan ng Misyon, ay nagbibigay sa atin ng isang pagkakataon na higit na maunawaan, sa liwanag ng pananampalataya, kung ano ang gustong sabihin ng Panginoong Hesus sa inyo mga kabataan, at sa lahat ng Kristiyanong komunidad sa pamamagitan ninyo.
Ang buhay ay isang misyon
Ang bawat isa ay may misyon; ito ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundo. Upang maiugnay at ma-ibahagi ang kalooban ng ating mga puso sa dakilang Pag-ibig kung saan ay pinanghahawakan ang pangako sa ating hinaharap at nagbibigay ng direksyon sa ating buhay. Higit kanino man, nadarama ng mga kabataan ang lakas ng buhay na nakakabagabag at umaakit sa amin. Upang mabuhay ng masaya kung saan ang pananagutan natin para sa mundo ay isang malaking hamon. Alam ko ang kasiyahan at kalungkutan ng kabataan; nang magbalik tanaw ako sa aking kabataan at sa aking pamilya, naaalala ko ang lakas ng aking pag-asa para sa mas mabuting hinaharap. Ang katotohanang hindi natin pinili ang mabuhay sa mundong ito, ang lumikha ng pagkukusang magpatuloy pa. Ang bawat isa sa atin ay tinatawag upang magnilay sa katotohanang “Ako ay isang misyon sa Mundong ito; iyon ang dahilan kung bakit ako naririto.”
Ipinahayag namin si Jesu-Cristo
Ang simbahan, sa pagnanais na makatulong, ibinabahagi sa bawat kabataan ang daan at katotohanan na nagbibigay liwanag sa ating buhay dito sa mundo. Si hesus, na namatay at muling nabuhay para sa atin, ay kumakatok at hinahamon tayong hanapin, alamin at ibahagi ang katotohanan at katuparan. Mahal kong kabataan, huwag kayong matakot kay kristo at sa kanyang simbahan! Sapagkat dito natin makikita ang kasiyahang bubuo sa ating buhay. Sa aking karanasan: dahil sa pananampalataya ko, nahanap ko ang totoong pundasyon ng aking mga pangarap at lakas para makita ko ang mga ito. Nakita ko ang sobrang pagdurusa at kahirapan sa mga mukha ng ating mga kapatid. Gayunpaman, para sa mga tumatayo para kay jesus, ang kasaman ay lakas para sa higit na pagmamahal. Maraming tayong mga kapatid na naranasan magbuwis ng buhay dahil sa pagmamahal sa salita ng Diyos at maglingkod sa kapwa. Sapamamagitan ng krus ni kristo, natutunan natin kung paano magsakripisyo bilang isang lingkod niya para sa mundo.
Ang pagpapalaganap ng pananampalataya sa mga dulo ng mundo.
Kayo ring mga kabataan, sa pamamagitan ng Binyag ay naging buhay na miyembro ng Simbahan; sama-sama nating natanggap ang misyong ipalaganap ang mabuting balita sa lahat. Ikaw ay nasa kasibulan na ng buhay, Upang lumago sa biyaya ng pananampalataya na ipinagkaloob sa atin ng mga sakramento ng Simbahan, tayo ay naging daluyang saksi sa mga sumusunod na herenasyon na nagbibigay nang karunungan at karanasan sa pamamagitan ng patnubay ng mga nakakatanda, maging patotoo at magbigay pag-asa sa hinaharap.
Ang pagiging masigasig ng mga kabataan ang siyang nagbibigay sa kanila ng dedikasyon at pag-asa hanggang sa dulo ng kanilang paglalakbay. Sa ganitong pag-sasamasama ng iba’t ibang yugto ng buhay, ang misyon ng simbahan ay maging tulay sa susunod na henerasyon; Ang ating pananampalataya sa Diyos at pagmamahal sa ating kapwa ay siyang pinagmumulan ng isang matatag na pagkakaisa.
Ang paghahatid ng pananampalataya; Ang puso ng misyon ng simbahan na nagmumula sa matinding pagmamahal. Kung saan ang kasiyahan at pagiging masigasig ay nagiging expression ng makabagong kahulugan nang katuparan ng buhay. Ang paglaganap ng pananampalataya sa pamamagitan ng “atraksyon” ay tumatawag sa mga pusong bukas at pinalawak ng pagmamahal. Walang imposible sa pag-ibig, dahil ang pagibig ay malakas katulad ng kamatayan. Ang pinalawak na pagmamahal na ito ay nagbunga ng pagkakatagpo, pagkasaksi at pagpapahayag; nagbunga ng kawanggawa sa mga taong malayo sa pananampalataya, mga walang paki-alam at maging sa mga tutol at galit dito.
Ang kultura at relihiyosong kagalagayan ng tao na malayo pa rin sa Ebanghelyo ni Jesus at sa sakramental na presensya ng Simbahan ang kumakatawan sa mga taong nasa “laylayan” nasa dulo ng mundo, na kung saan mula pa noong unang Pasko ng Pagkabuhay ay pinadala na ni Hesus ang kanyang mga disupulo na may katiyakan na ang kanilang Panginoon ay laging kasama nila. (cf. Mt 28:20; Acts 1:8) Ito ang tinatawag nating missio ad gentes. Makikita natin ang sangkatauhan sa pinaka laylayan ng lipunan. Doon mas Kailangan si Kristo, sa mga taong na nanatiling walang paki-alam sa pananampalataya at nagpapakita ng galit sa Diyos. Ang lahat ng materyal at sa espirituwal na kahirapan na ating nararanasan, ang bawat anyo ng diskriminasyon laban sa ating mga kapatid, ay resulta ng ating pagtanggi sa Diyos at sa kanyang pagmamahal.
Mahal kong mga kabataan, sa panahon ngayon, ang bawat sulok ng mundo ay halos pare-pareho. Ang "Social Media" na mabilis lumaganap ay madaling makuha. Tinatanggal nito ang mga balakid, lumiliit ang distansya at nababawasan ang pagkakaiba ng bawat isa. Lahat ay maaring maabot sa mabilisang paraan, Ngunit mayroon pa ring kulang, maaari nga tayong magkaroon ng hindi mabilang na mga kontak sa bawat isa, hindi naman ito kailanman nakikibahagi sa isang tunay na pakikipag-isa ng buhay. Ang pakikibahagi sa misyon hanggang sa dulo ng mundo ay pag-aalay ng sarili sa bokasyong tinanggap natin sa Diyos, na siyang lumikha at pumili sa atin. Ang masasabi ko sa mga kabataang lalaki at babae na gustong sumunod kay Cristo, ang pinakamahalaga sa lahat ay hanapin, tuklasin at magtiyaga ka sa iyong piniling bokasyon.
Nagpapatotoo sa Pagmamahal
Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga grupong ecclesial na siyang nagbigay daan upang maging posible para sa inyo na makilala ng personal si Kristo na nabubuhay sa simbahan: sa mga parokya, asosasyon, mga kilusan, mga relihiyosong komunidad at iba't ibang mga pagpapahayag ng paglilingkod bilang misyonero. Sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga kabataan sa mga gawaing misyonero, naging susi ito upang makapaglingkod sila sa "pinakamaliit" ng ating mga kapatid, sa pagtataguyod ng dignidad ng tao at pagsaksi sa kagalakan ng pag-ibig at pagiging mga Kristiyano! Ang ecclesial na karanasang ito ang nagtuturo at nagsasanay sa mga kabataan hindi lamang para sa propesyonal na pag-lago kundi para rin hubugin at pag-yamanin ang mga kaloob na talento ng Diyos sa kanila upang mahusay na makapaglingkod sa iba. Ang kapuri-puring panasamantalang misyonerong gawaing ito ay isang mabungang simula, kasama ng taos pusong pagninilay sa kanilang bokasyon, ay makakatulong sa kanilang pag-papasya maging isang ganap na misyonero.
Ang Pontifical Mission Societies na may puso para sa mga kabataan ay nilikha upang magbigay suporta sa pagpapalaganap ng Mabuting balita sa bawat bansa at sa gayon ay makatulong sa pag-unlad ng tao at kanilang kulturang nauuhaw sa kaalaman at katotohanan. Ang mga panalangin at material na tulong na ibinibigay nang husto at ipinamamahagi sa pamamagitan ng Pontifical Mission Societies ay naging daan upang matiyak ng Santo Papa na sila’y maaaring maging buhay na saksi ng Ebanghelyo sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Walang sinumang tao ang sobrang hirap sa buhay ang hindi kayang magbigay ng kung ano ang meron sila, ngunit ang una at pinka-mahalaga ay kung ano sila. Hayaan ninyong ulitin ko ang mga salitang binitiwan ko sa mga kabataan ng Chile: “Huwag ninyong isipin na wala kayong maibibigay o walang na ngangailangan sa inyo. Maraming tao ang kailangan kayo. Pag-isipan ninyo! Bawat isa sa inyo, isipin nyo sa inyong mga puso: maraming tao ang kailangan ako.”
Minamahal kong mga kabataan, ngayong darating na Oktubre buwan ng Misyon ay magkakaroon ng kapulungan pangsimbahan na nakatuon para inyo. Ito’y isang mahalagang okasyon na makakatulong upang tayo’y maging mga misyonerong disipulo na masigasig na nakatuon kay Hesus at sa kanyang misyon hanggang sa dulo ng mundo. Hinihiling ko ito kay Maria Reyna ng mga apostol, San Francisco Javier, Santa Teresa at Blessed Paolo Manna na mamagitan para sa ating lahat at kasama natin palagi.
Mula sa Vatican, Mayo 20, 2018, Dakilang Kapistahan ng Pentekostes
Pope Francis
