Skip to main content
Biblical reflections
Fr. Patrick Abdul Fornah, SX
Fr. Patrick Abdul Fornah, SX

Anong Handa mo sa paskong darating?

Listening to the Spirit

Lord Jesus,
Master of both the light and the darkness, send your Holy Spirit upon our preparations for Christmas.
We who have so much to do and seek quiet spaces to hear your voice each day,
We who are anxious over many things look forward to your coming among us.
We who are blessed in so many ways long for the complete joy of your kingdom.
We whose hearts are heavy seek the joy of your presence.
We are your people, walking in darkness, yet seeking the light.
To you we say, "Come Lord Jesus!'
Amen.

- Henri J.M. Nouwen

Listening to the Word

Mk 1:1–8

The beginning of the gospel of Jesus Christ the Son of God.

As it is written in Isaiah the prophet: Behold, I am sending my messenger ahead of you; he will prepare your way. A voice of one crying out in the desert: “Prepare the way of the Lord, make straight his paths.” John the Baptist appeared in the desert proclaiming a baptism of repentance for the forgiveness of sins. People of the whole Judean countryside and all the inhabitants of Jerusalem were going out to him and were being baptized by him in the Jordan River as they acknowledged their sins. John was clothed in camel’s hair, with a leather belt around his waist. He fed on locusts and wild honey. And this is what he proclaimed: “One mightier than I is coming after me. I am not worthy to stoop and loosen the thongs of his sandals. I have baptized you with water; he will baptize you with the Holy Spirit.”

Reflection

Ang pinakasentrong tauhan ng ating Gospel ngayon at sa ikalawang linggo ng adbiyento ay si San Juan Bautista, anak nina Elizabeth at Zacarias; ang pinsan ng ating panginoon Hesukristo. At ang kanyang tema at sigaw sa ilang ay Pagsisisi at Paghahanda ng daraan ng panginoon.

Ang paghahanda ay isang karaniwang na ginagawa natin sa mga ordinaryong nangyayari sa ating buhay. Katulad kapag malapit na ang birthday tayo’y nagpaplano na magkaroon ng birthday party. Kaya kailangan maghanda. May mga invitations, binabilang kung ilan ang possibileng dumalo, ano ihanda ng pagkain na kasiya sa budget. Kapag ikakasal ganuon din. Matagal pa ay nagiipon. Ngayon uso na ang may wedding planner. Isang taon pa o halos isang taon pa ay inaayos na ang isusuot ng wedding dress; hinahanap ano ang lugar kung saan gagawin ang liturhiya ng pagkakasal, at ganuon din ang lugar kung saan gagawin ng reception. Sa mga estudynte, kapag malapit na ang finals sa school, naghahanda dahil kailangan makapasa. Isang buwan pa lang ay nagrereview na; inaayos na kung papaano hahatiin ang oras na sa ganuon mabigyan ng puwang ang lahat ng lahat ng mga subjects.

Ano naman kaya ang paghahanda sa taon-taon na dumarating na kapaskuan? Ano kaya ang ating ginagawa para ihanda ang daraanan ng panginoon at tuwirin ang kanyang mga landas? Ano nga ang puwede nating ihanda sa ating pagkatao at sa ating mga puso?

Mahalaga po ang mga daan. At natutuwa ako mga kapatid dahil noon mga nakaraan buwan at linggo po pumunta ako sa Tagbilaran city at Talibon city, Western and Eastern Bohol para sa vocation promotion. At napansin ko na mas Madali na makapunta mula sa Panglao Airport hanggan sa Talibon City by bus dahil maganda ang daan. At pagkatapos pumunta rin ako sa Cagayan valley, North Luzon, at napansin ko rin mula sa manila patungo NLEX hanggan sa Tuguegarao City, Santa Teresita, at Santa Ana, lahat ng mga daan ay maganda at maayos. Mahalaga po ang mga daan natin; at maganda na gumawa ng mga magagandang mga daan. Sapagkat papaano iyong mga magsasaka maibebenta nila ang kanila mga pananim, maging bigas o mga gulay o mga punongkahoy, mga bunga ng punongkahoy katulad ng mangga kung wala naman daan buhat sa bukid hanggan sa mga mall o palengke! Kaya maraming mga gulay noong sa probinsya na kung saan hindi na dadala sa mga palengke at tinatapon na lang nila dahil hindi maganda ang mga daan, pero ngayon dinadala na dahil maganda ang mga daan. Kaya mahalaga ang daan.

Ito rin ang larawan na narinig natin sa unang Pagbasa at sa banal na Ebanghelyo. Sabi ni Propetang Isaias: Ito ang sabi ng isang sumusigaw sa ilang: ihahanda ninyo ang daraanan ng panginoon. Tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.” At noong dumating si Jaun Bautista, ito ang kanyang ginawa. Alam niya hindi siya ang mesiyas o tagapagligtas. Siya’y isinugo lamang upang ihanda ang daraanan ng mesiyas. At inamin lamang niya; sabi niya: binibinyagan ko kayo ng tubig ngunit bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo.

At kung ating maalala bagong sumigaw si Juan Bautista na ihanda ang daraanan ng panginoon siya mismo ay naghanda muna sa kanyang sarili. Papaano ba ang ginawa paghanda ni Juan Bautista sa kanyang sarili? Namuhay siya sa diserto na magisa. Lumayo sa napakaraming tao, pumunta sa diserto na magisa at namuhay doon nang tahimik at payapa. Ang kanyang pagkain ay pulot-pukyutan at balang. Nagsuot siya ng balabal na gawa sa balat ng Kamelyo. So, inihanda niya muna ang kanyang sarili sa pagdating ng panginoon bago siyang isinugo ng panginoon. Habang ang lahat ng tao ay nagsasaya, si Juan Bautista naman ay nananahimik doon sa ilang, doon sa Diserto. Habang ang lahat ng tao ay kumakain ng mga masasarap na pagkain, balang at pulot-pukyutan (honey) naman ang kanyang kinakain. Habang ang napakaraming tao ay nagsusuot ng marangal na kasuotan, siya naman balat ng karmelyo ang kanyang isinusuot.

Bakit ginawa ni Jaun Bautista ang ganito? Bakit kailangan ni Juan Bautista na ihanda muna ang kanyang sarili bago dumating ang Diyos dito sa mundo? Dahil sa pagdating ng panginoon hindi material na mga bagay ang kanyang hinahanap. Ang hinahanap ng panginoon ay ang kadalisayan ng puso, ang kahandahan ng kaluluwa na tanggapin siya.

Kaya nga sa gitna ng ating paghahanda sa kapaskuan ito sana hindi nating makalimutan kung ano nga ba dapat ang ating ihanda sa ating sarili. Hindi natin kailangan maghanda ng mahal at masasarap na pagkain at kung anu-ano pa. lalo lalo sa gitna ng pagsubok, habang ang ibang mga tao ay nagugutom, walang makain.

Ang hamon sa ating ni Juan Bautista sa ebanghelyo ngayon ay ang paghahanda ng simpleng pero extraordinary. Simpleng pagkain at handa pero extraodinaryo ang pagpapala. At ano po ang simpleng pagkain na hahanda natin sa pasko pero masaya naman ang ating pamilya? Mayroon pagpapatawad, walang hidwaan. Kasi ano ngayon kung masasarap ang ating pagkain, ang daming mga regalo, ang dami mga palamuti sa ating bahay pero wala naman tayong kasama? O kung mayroon man tayong kasama mayroon naman pagaaway-away, mayroon hidwaan (conflict), mayroon hindi pagpapatawad, mayroon kagalitan. Kaya nga mga kapatid ang hamon sa ating ng ebanghelyo at paalala sa atin ni Juan Bautista ay kahit tayong maghanda ng ibang mga bagay at palamuti para sa darating ng kapaskuan huwag natin kalimutan kung ano ang importante. At hindi importante na tayo’y maghanda ng kung ano-anong bagay kundi kahit simpleng lang pero alam naman natin na sa setro ng ating paghahanda sa kung ano ang importante; at ito ay ang paghanda sa ating sarili, ang paghahanda sa ating mga puso, ang paghahanda sa ating mga kaluluwa na tanggapin si Hesus.

Take note mga kapatid: nasa ikalawang Linggo ng adbiyento pa tayo hindi pa pasko. Ito’y panahon ng ating paghahanda, na sa gayon lubos natin mapaghandaan at maipagdiwang ang pagdating ni Hesus sa araw ng kapaskuan. Sabi ng isang libro binasa ko noon: “Nakadepende kung gaano kasaya at kalalim iyong pagdiriwang natin ang pasko kung paano nating pinaghandaan ang panahon ng adbiyento.” In other words, nakadepende sa lalim, sa saya ng pagdiriwang ng kapaskuan kung paano tayong naghanda sa panahon ng adbiyento. Kaya nga po ngayon araw na ito sa ikalawang linggo ng panahon ng adbiyento ito po iyong paanyaya sa atin: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’


Gospel Reflections

August 30, 2026
Last Sunday, we heard Peter make a beautiful profession of faith: “You are the Christ, the Son of the living God.” Jesus praised Peter for this confession and entrusted him with a great responsibilit…
August 23, 2026
At Caesarea Philippi, far from the noise and distractions of Jerusalem, Jesus asks his disciples two questions: “Who do people say that I am?” and, more importantly, “But who do you say that I am?”…
August 16, 2026
At first glance, we Filipinos might describe Jesus in today’s Gospel with a very familiar word: “suplado.” A Canaanite woman approaches Him, desperately asking Him to heal her daughter, but Jesus ini…