Matagumpay na naisagawa ang Ecological Awareness Webinar ng St. Francis Xavier Parish nitong nakaraang Agosto 21 at 28, 2021.
Nagkaroon ng dalawang parte ang Ecological Webinar na ito. Ang unang parte ay may titulong "Ako at ang Kalikasan: an ecological awareness campaign" na naganap noong Agosto 21 at sinundan ng ikalawang parte noong Agosto 28 na may titulong "Plantito and Plantita with a Heart: An introduction to the concept of Urban farming".
AKO AT ANG KALIKASAN: An ecological awareness campaign
Isang makabuluhang pagtatalakay ang ibinahagi ni Sister Ella— isang mercedarian sister, sa mga kabataan at parishioner ng Saint Francis Xavier Parish. Agosto 21.
Ayon kay John Mark Cano— PYM, ang pinakatumatak na aral sa kanya mula sa pagbabahagi ni Sis. Ella ay ang mensaheng "Every action we do as humankind will automatically affect our Ecological system no matter how small or big, it will still affect our environment either good or bad, constructive or destructive. The future of the environment is in our hands, so we better think about it. If we will contribute on constructive effect or a destructive one."
Click here to watch the Webinar
PLANTITO AND PLANTITA WITH A HEART: an introduction to the concept of urban farming
Samantala, ang ikalawang bahagi ng ecological webinar ay pinangunahan ni Kent Charles Monteza— Happiness Community Pantry Coordinator. Agosto 28.
"Natutunan ko yung tungkol sa Urban Gardening na kahit nasa syudad tayo pwede parin tayo mag lagay ng Garden sa ating bakuran sa simpleng mga bote or gulong na nakaimbak sa likod bahay pwede mapakinabangan in the future kapag tumubo na sya pwede ding kunan ng gulay na pwede ulamin masustansya na makakatulong ka pa sa ating kalikasan." Sagot ni Jam Adlao— PYM, noong tanungin siya sa kung ano ang natutunan sa lecture na ibinahagi tungkol sa urban gardening.
Naging matagumpay ang event na ito dahil sa sanib pwersang patutulungan ng Saint Francis Xavier Parish Youth Ministry at ng Saint Francis Xavier Parish Social Communication Ministry.
Inaasahan na kumintal sa isipan ng bawat isa ang mensahe tungkol sa pangangalaga ng kalikasan at ang magandang epekto ng urban farming hindi lamang sa kalikasan kundi sa pang-araw-araw na buhay ng tao.
Click here to watch the Webinar