Skip to main content

Flores de Mayo at home

| Francisco Javier Beltran Aceves

Ang ating pananampalataya ay mas malakas kaysa sa mga hamon na ating nararanasan ngayon.

Ang Flores de Mayo ay espesyal ngayong taon. Kahit na-cancel ang ating mga activities sa simbahan, nagawa pa rin natin ang mga bagay ng “sama-sama” tulad ng pagdarasal ng Rosaryo at pagaalay ng bulaklak sa ating Inang si Maria, hindi sa loob ng physical na simbahan kundi sa ating mga tahanan.

Sa hinaharap nating pandemic ngayon, lalo nating kailangan ang tulong ng ating Inang si Maria at palakasin ang ating panalangin na sa pamamagitan niya, ay mapagtagumpayan natin ang lahat ng hamon ngayon.