Skip to main content

Mensahe ni Papa Francisco para sa Ika-29 na Taong Pandaigdigang Araw ng mga Maysakit

| Francisco Javier Beltran Aceves

“….sapagkat iisa ang inyong guro at kayong lahat ay magkakapatid….” (Mt. 23:8). Isang relasyong nakabatay sa tiwala upang pangalagaan ang mga maysakit.

Mga kapatid,

Ang pagdiriwang ng ika-29 na taong Pandaigdigan Araw Para sa Mga Maysakit sa ika-11 ng Pebrero, ang malaliturhiyang pag-alaala sa Pinagpalang Birheng Maria ng Lourdes, ay isang pagkakataon upang mag-ukol ng isang espesyal na pagtingin sa mga maysakit at sa mga nagbibigay sa kanila ng tulong at pangangalaga ng mga pangkalusugang institusyon at maging ang mga pamilya at mga komunidad. Higit sa lahat binibigyang pansin ang mga naghirap at patuloy na naghihirap sa epekto ng pandemya ng coronavirus sa buong mundo. Sa inyong lahat, lalu na sa mga mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan, aking ipinahahayag ang aking pagiging Katolikong espiritwal at tiyakin sa kanila ang mapagmahal na pagmamalasakit ng Simbahan.

1. Ang tema sa araw na ito ay hinango sa Ebanghelyong kung saan ay pinuna ni Hesus ang pagpapaimbabaw ng mga Hudyo na gawin kung ano ang kanilang ipinangangaral (Cf. Mt 23:1-12). Kapag ang ating pananalig ay naging walang kabuluhang salita, walang malasakit sa mga buhay at pangangailangan ng iba, ang Kredo na ating ipinahahayag ay pinatutunayang hindi naaayon sa buhay na ating tinatahak. Ang panganib ay tunay. Iyan ang dahilan kung bakit si Hesus ay gumamit ng matapang na salita tungkol sa panganib na mahulog sa sariling diyus-diyosan. Sinabi Niya sa atin: “May iisa kayong Guro at kayo ay magkakapatid” (v 8).

Sa pagpuna ni Hesus sa mga “nagpapahayag ngunit hindi isinasagawa” (v 3) ay kapaki-pakinabang lagi at kahit saanman, dahil wala sa atin ang tinatablan ng matinding kasamaan ng pagkukunwri, na pumipigil sa atin na umunlad bilang mga anak ng nag-iisang Ama, tinawag upang isabuhay ang pandaigdigang kapatiran.

Bago ang pangangailangan ng ating mga kapatid, hinihiling ni Hesus na tumugon tayo sa paraaang tunay na salungat sa ganuong pagpapaimbabaw. Hinihiling Niyang tumigil at makinig tayo, itatag ang tuwiran at personal na ugnayan sa kapwa, makiramdam at makiramay at hayaan ang kanilang paghihirap ay maging atin ring paghihirap habang naghahangad tayong maglingkod sa kanila (cf Lk 10:30-35).

2. Sa karanasan ng pagkakasakit ay mapagtatanto natin ang ating sariling kahinaan at ang ating likas na pangangailangan ng kapwa. Mas ginagawa nito na lalo nating maramdaman na tayo ay mga nilalang na umaasa sa Diyos. Kapag tayo ay maysakit, natatakot at maging ang pagkalito ay mahigpit na hinawakan ang ating isip at puso, makikita natin ang ating sarili na walang lakas, dahil ang ating kalusugan ay hindi umaasa sa ating kakayahan o sa kawalang alalahanin sa buhay (cf. Mt 6:27).

Ang sakit ay nagtataas ng tanong sa kahulugan ng buhay, na ating dinadala sa harap ng Diyos sa pananampalataya. Sa ating paghahanap ng bago at mas malalim na direksyon ng ating buhay, maaaring di natin mahanap ang biglang kasagutan. Maging ang ating mga kamag-anak at mga kaibigan ay laging handang tumulong sa ganitong matinding pangangailangan.

Ang biblikal na imahe ni Job ay sagisag nito, ang asawa ni Job at mga kaibigan ay hindi siya sinamahan sa kanyang kasawian, bagkus, sinisi nila siya at lalong nagpalala sa kanyang pag-iisa at siphayo. Nakaramdam si Job ng pamamanglaw at hindi pagkaunawa. Gayunpaman, sa lahat ng kanyang kahinaan, tinanggihan niya ang pagpapaimbabaw at pinili niya ang daan sa katapatan sa Diyos at sa kapwa. Pilit siyang naghumiyaw na sa wakas ay sagutin siya ng Diyos at hayaan siyang muling mabanaagan ang bagong kapaligiran. Pinatunayan na ang paghihirap ni Job ay hindi kaparusahan o isang estado ng pagkahiwalay sa Diyos, humigit kumulang ito ay simbolo ng kawalang malasakit ng Diyos. Ang puso ni Hesus, sugatan at gumaling, ginawa itong buhay na buhay, makabagbag damdaming pangungumpisal sa Panginoon. “Noong makilala ko kayo dahil sa sinasabi ng iba, subali’t ngayo’y nakita ko kayo ng sarili kong mga mata” (42:5).

3. Ang karamdaman ay laging may higit pa sa isang mukha: ang mukha ng lahat ng maysakit, kundi pati na rin ang mga pakiramdam na hindi pinapansin, hindi kasali at biktima ng kawalang katarungan ng lipunan na itinanggi ang kanilang pangunahing karapatan (cf. Fratellli Tutti, 22). Ang kasalukuyang pandemya ay pinalala ang di pagkakapantay-pantay sa ating paraan ng pangangalagang pangkalusugan at ibinunyag ang kawalan ng kaalaman sa pangangalaga ng mga maysakit. Ang mga matatanda, mahihina at mga taong walang lakas ay hindi laging nabibigyan ng paraan sa pag-aaruga o sa pantay na pamamaaraan. Ito ang bunga ng mga desisyon sa pulitika, resource management, at mas malaki o maliit na pangako sa mga may hawak ng tungkuling may responsibilidad. Ang pamumuhunan sa pangangalaga at pagtulong sa mga maysakit ay pangunahing dugtong sa mahalagang simulain na ang kalusugan ay batayan ng kabutihang panglahat. Gayunpaman, nabigyang pansin ng pandemya ang paghahandog at kabutihang loob ng mga health workers personnel, volunteers, support staff, priests, men and women religious, lahat sila ay tumulong gumamot, umaliw, at nagsilbi sa maraming maysakit at kanilang pamilya ng may propesyonalismo, pagbibigay, responsable, at pagmamahal sa kapwa. Ang isang tahimik na grupo ng kalalakihan at kababaihan ay hindi pinili na tumingin sa ibang paraan, bagkus nakibahagi sa paghihirap ng mga pasyente, na kanilang nakita bilang mga kapitbahay, at miyembro ng isang pamilya ng tao. 

Ang gayong pagiging malapit ay isang mahalagang pampalubag loob na nagbibigay ng suporta at aliw sa mga maysakit sa kanilang paghihirap. Bilang Kristiyano, naranasan natin na ang pagiging malapit ay sagisag ng pag-ibig ni HesuKristo, ang Mabuting Samaritano, na lumalapit ng may habag sa bawat babae at lalaking sugatan sa kasalanan. Pinagsama kay Kristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, tinawag tayo upang maging mahabaging katulad ng Ama at mapagmahal laluna sa ating mahihina, masasaktin at naghihirap na mga kapatid (cf Jn 13:34-35). Naranasan natin ang pagiging malapit hindi lamang bilang isang tao, bagkus isang komunidad. Sa katunayan, ang pagmamahal pangkapatiran kay Kristo ay nakabubuo ng isang pamayanang nagpapagaling, isang komunidad na walang iwanan, isang komunidad na lahat ay kasama at malugod na tinatanggap laluna ang nangangailangan.

Dito nais kong banggitin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng kapatiran, na pinahahayag ng tunay na paglilingkod at maaaring makita sa ibat ibang mga anyo, lahat ay nakatuon sa pag-aalalay sa ating kapwa, "Ang Paglilingkod ay Pag-aalaga, para sa mahihinang pamilya,, sa ating lipunan, sa mga tao" (Homily in Havana, 20 Sept 2018). Sa outreach na ito, lahat  ay tinawag upang isantabi ang kanilang pagnanais at hangarin, ang kanilang paghahanap ng kapangyarihan sa mapanuring tingin ng mga pinakamahihina. Ang paglilingkod ay laging nakatuon sa kanilang mga mukha, nahahawakan ang kanilang kalamnan, nararamdaman ang kanilang pagiging malapit, kahit na sa ibang banda, ‘nagdurusa’. kahit ang pagiging malapit at ang pagnanais na tumulong sa kanila. Ang paglilingkod ay hindi ideolohiya, dahil hindi tayo naglilingkod sa ideya, naglilingkod tayo sa tao (Ibid.)

4. Kung ang isang therapy ay magiging epektibo, dapat itong magkaroon ng relational aspect dahil ito ay nagbibigay daan sa isangholistic approach sa mga pasyente. Ang pagbibigay daan sa aspetong ito ay makatutulong sa mga doctors, nurses, professionals ad volunteers upang maramdaman nila ang responsibilidad sa pagsama sa mga pasyente sa landas ng paggaling na ang pagbabatayan ay isang pinagkakatiwalaang ugnayan sa bawat isa. (cf. New Chapter for Healthcare Workers [2016], 4). Lumikha ito ng isang kasunduan sa pagitan ng mga nangangailangan ng pangangalaga at sa mga nangangalaga, isang kasunduang batay sa pagtitiwala at respeto, pagiging bukas at kakayahang makatulong. Ito ay makakatulong mapagtagumpayan ang ugaling nagsasanggalang, paggalang sa dignidad ng maysakit, pangangalaga sa propesyonalismo ng mga healthcare workers at paunlarin ang mabuting ugnayan ng mga pamilya at mga pasyente. 

Ang gayong ugnayan sa mga maysakit ay maaaring makatagpo ng walang hanggang pinagmulan ng pagganyak at lakas sa kawanggawa ni Kristo, na napakita sa pagiging saksi ng mga babae’t lalaki nang milenya na lumago sa kabanalan sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga mahihina. Ang misteryo ng pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo ay mapagkukunan ng pag-ibig na may kakayahang maibigay ang buong kahulugan ng mga karanasan ng mga pasyente at mga tagapangalaga. Sa Ebanghelyo ay madalas na ginagawa itong maliwanang sa pamamagitan nang pagpapakita na si Hesus ay nagpapagaling hindi sa pamamagitan ng mahika kundi dahil sa natagpuang ugnayang interpersonal, kung saan ang regalo ng Diyos ay nakahanap ng ‘tugon sa pananampalataya’ sa mga tumatanggap nito. At laging inuulit ni Hesus: “Ang iyong pananampalataya ang nagligtas sa iyo."

5. Pinakamamahal na Kapatid: Ang utos ng pag-ibig na iniwan ni Hesus sa kanyang mga alagad ay iniingatan din sa ating pakikipag-ugnayan sa mga maysakit. Ang lipunan ay mas magiging makatao, sa antas na ito ay nagmamalasakit ng lubos sa mga pinakamahina at naghihirap na kasapi, kahit na may pangkapatirang pagmamahal. Pagsikapan nating makamit ang layuning ito upang walang sinuman ang makaramdam na nag-iisa, hindi kasama at iniwan.

Maria, Ina ng Awa at Kulusugan ng mga Mahihina, inihahabilin ko ang mga maysakit, healthcare workers at lahat ng mga bukas palad na tumutulong sa paghihirap ng ating mga kapatid. Mula sa Grotto ng Lourdes at sa Kanyang marami pang dambana sa buong mundo, nawa ay panatilihin ang ating pananampalataya at pag-asa, at tuluyan pangalagaan ang bawat isa nang may pagmamahal pangkapatiran. Sa bawat isa, mataimtim kong ibinibigay ang aking pagpapala.

Rome, Saint John Lateran, 20 December 2020

Fourth Sunday of Advent

Franciscus