Skip to main content

Pamilyang binuklod ng Diyos

| Jose Manga Jr.

Pamilyang nakaugnay sa Diyos. Ito ang nasaksihan sa nakaraang Family Day na ginanap sa Parokya ng San Francsico Javier noong Setyembre 7, 2019. Nagsimula sa pamamagitan ng Family Rosary kaugnay sa kaarawan ng ating Mahal na Inang Maria, damang-dama ang biyaya ng Diyos sa bawat pamilya na binuklod ng panalangin at pananampalataya. Matapos ang pagdarasal ng santo rosaryo, isang masaganang hapunan ang pinagsaluhan ng lahat; bawat pamilya ay dinala ang kanilang hapunan sa simbahan, at doon kasama ng iba pa ay sama-samang nagsalo sa piging. Napakasaya ng programa na sinaliwan pa ng mga sayaw at awitin handog ng ilang kabataan at ilang mga nanay at tatay. Nagkaroon rin ng mga palaro na lalong nagpatingkad sa kasiyahan. Tunay ngang kung ang Diyos ang sentro ng pamilya, sa anumang pagsubok na dumaan, mananatiling nagkakaisa, matibay at maligaya. 

Family day blessing