Skip to main content

What is a Seminary

| Philosophy community

Ang seminaryo ay lugar kung saan hinuhubog ang aming kakayahan na matuto sa mga pangunahing bagay. Tinuturoan kami na mapalalim ang aming Samahan bilang isang brothers, kung saan binabahagi namin ang aming mga karanasan sa buhay. Hinuhubog din aming Sarili para makilahok sa komunidad.

Sa seminaryo nahahasa kami na mag aral nang Mabuti, magbasa, umintindi at magkaroon nang mahalagang pag unawa sa katotohanan. Bilang isang studyante alam naming na ang aming pangunahing Gawain ay ang mag aral. Sa loob nang seminary mayroon kami Personal at communal study time.

Sa seminaryo mayroon kaming tinatawag na Spiritual Life. Ito ay napaka importante sa amin mga seminarista. Pinapalalim nito ang aming relasyon sa Panginoon at pinapaalala sa amin na ang aming bokasyon ay biyaya mula sa Diyos

Sa seminaryo hinuhubog ang bawat isa at ang aming kakayahan na maglingkod sa kapwa at sa Diyos. Natutoto kaming umunawa sa mga taong nangangailangan nang tulong.

Sa seminary Hindi lang puro pagdadasal hindi lang  laging nakaluhod at Hindi lang utak Yung hinahasa.  Hinuhobug din Ang aming talento. Katulad nang pag tugtug nang gitara, pagkakanta at hindi lang sa mukisa pati narin sa sports.

Ang seminaryo ay para sa mga gusto tumugon sa tawag nang panginoon. Halina po kayo subukan n’yo pong pumasok sa seminaryo. Kung nararamdaman n’yo po yung tawag ng Panginoon ito po marahil yung isang paraan upang mapagyabong, mapagyaman at mabigyan ng masmalinaw na sagot yung tawag ng Panginoon. Tutulungan kayo ng seminary na makaunawa at umasa sa mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ihahanda ninyo ang inyong sarili para sa templo at sa gawaing misyonero.

Ikaw na lang ang Kulang. Halinat tumugon sa tawag nang Panginoon. Come….