Skip to main content

2nd day novena to St. Guido M. Conforti

| Francisco Javier Beltran Aceves

Sentralidad ni kristo

Pasimula

Ang kabanalan ni San Guido Maria Conforti ay may malinaw na kahalagahan na nakatuon kay Kristo. Mahal niya si Hesukristo, tinularan niya ang kanyang buhay bilang Pastor at ama ng mga misyonero, at ipinanukala niya sa lahat sa pamamagitan ng kanyang salita at pamumuhay ang  misteryo  at  kahanga-hangang  pagkatao  ni  Hesus.  “Sa  Omnibus Christus” (Kristo Sa Lahat) ay ang naging panuntunan ng episcopacy.

Ang salita ng Diyos (Col 3:11, Gal 2,20; Fil 1:21; Col 3:3)

Kaya’t sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang mabangis na tao, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Kristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya’y nasa inyong lahat.

Hindi na ako ang nabubuhay ngayon, kundi si Kristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako’y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos, na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.

Sapagkat para sa akin, si Kristo ang aking buhay at kahit kamatayan ay pakinabang. Sapagkat namatay na kayo at ang inyong tunay na buhay ay natatago sa Diyos, kasama ni Kristo.

Salmo (33:2-7.2.5)

TUGON: Aking pupurihin kanyang mga gawa, kayong naaapi, makinig, matuwa!

Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin;
pagpupuri ko sa kanya’y hindi ko papatigilin.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa! TUGON

Ang kadakilaan niya ay ihayag,
at ang ngalan niya’’y purihin ng lahat! 
Ang aking dalangi’’y dininig ng Diyos,
inalis niya sa akin ang lahat kong takot. TUGON

Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa. TUGON

Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos,
sa mga panganib, sila’y kinukupkop.
Sinong may gusto ng mahabang buhay;
sinong may nais ng masaganang buhay? TUGON

Mga mata ni Yahweh, sa mat’wid nakatuon,
sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon. TUGON

Turo ni San Guido Conforti

Magbabalik ako upang maging ministro ng mga ministeryo ng Diyos upang ipahayag sa inyo ang Salita ng buhay, na sa pamamagitan ng mga apostol ay nagpanibago ang balat ng lupa, upang mahalin at kilalanin ang Panginoong Hesukristo, sa ganito nabubuo ang tunay na buhay ng Espiritu na patuloy na nagpapalakas sa amin: upang makilala ang Diyos at ang Banal na Salita, na Kanyang ipinadala at aming pag-asa. Samakatuwid ang pangunahing salita ay palaging “Si Kristo sa lahat”.  Mga Pinakamamahal, sa lahat ng bagay dapat ay naaayon kay Kristo sapagkat sa Kanya nagmula ang lahat ng kabutihan at biyaya.

Panalangin

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, sa pamamagitan ni Hesus na ipinagkaloob mo sa amin ay ipinahayag mo ang lahat, at sa pamamagitan ni San Guido Maria Conforti ay ipinagkaloob mo sa amin ang buhay na imahe ng Mabuting Pastol.  ipagkaloob mo na si Hesus  ay manatili sa aming isip at maging huwaran ng aming pamumuhay upang sa gayon ay maging pagpapahayag ng buhay ni Kristo sa amin. Sa pagninilay kay Hesus at sa pamamagitan ni San Guido Maria Conforti, ipagkaloob mo ang biyaya at grasya na hinihiling namin…

Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati sa Ama...