Skip to main content

4th day novena to St. Guido M. Conforti

| Francisco Javier Beltran Aceves

Simbuyo ng damdamin sa Ebanghelyo

Panimula

“Caritas Christi Urget Nos” ay ang unang batayan ng pananalita, ang pangunahing tuntunin ng Conforti para sa Xaverian Institute. Nakaramdam siya ng di mapigilang kasiglahan ng pag-ibig ni Hesus na nagbunsod sa kanya upang italaga ang kanyang buhay para sa Ebanghelyo. Sinuman ang makapagnilay ng pag-ibig sa Krusipiho ay nag-aalab sa pagnanais na gawin ito at ibahagi ang misyon sa lahat.

Ang salita ng Diyos (2Co 5:4-15.18; 1Cor 9:16)

Ang pag-ibig ni Kristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming may isang namatay para sa lahat, kung kaya’t ang lahat ay maibibilang nang patay. Namatay Siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Kristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila. Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Kristo, ibinilang Niya tayong mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinili Niya kami upang ang iba pang mga tao ay maging kaibigan rin Niya. Hindi ngayo’t nangangaral ako ng Magandang Balita ay maaari na akong magmalaki. Sapagkat iyan ay tungkuling iniatang sa akin, sumpain ako kung hindi ko ipangaral ang Magandang Balita!

Salmo (39:5b – 16)

TUGON: Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin, mag-iingat sa akin magpakailanpaman.

Yahweh aking Diyos,
wala kang katulad sa maraming bagay na iyong ginanap;
kung pangahasan kong sabihin ang lahat,
nangangamba akong may makalimutan. TUGON 

Ang mga pang-alay, pati mga handog,
at ang mga hayop na handang sunugin,
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
handog na sinusunog at mga kaloob
hindi mo naisin, upang sala’y iyong patawarin. TUGON

Sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay pandinig ko upang ika’y dinggin.
Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;
nasa Kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.” TUGON

Ang pagliligtas mo’y aking inihayag,
saanman magtipon ang iyong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag. TUGON

Ang pagliligtas mo’y ipinagsasabi,
di ko inilihim, hindi ko sinarili;
pati pagtulong mo’t pag-ibig na tapat,
sa mga lingkod mo’y isinisiwalat. TUGON

Aking nalalamang di mo puputulin,
Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin;
wagas mong pag-ibig at iyong katapatan,
mag-iingat sa akin magpakailanpaman. TUGON

Turo ni San Guido Maria Conforti

Ang katuparan ng dakilang Sakripisyo ang nagsulong sa amin sa kawanggawa ni Hesukristo. Ngayon sinabi mong: Ang pag-ibig ni Hesus ang nagbunsod sa amin ng halimbawa na kung sino ang nagbigay sa amin ng lahat ay siya rin ang nagtulak sa amin upang mahalin ang aming kapuwa katulad ng pagmamahal nya sa amin. Ito ay hindi isang pag-ibig ng kaluwalhatian ng tao, paghahangad upang mapanatili ang kayamanan, ang kasabikang magkaroon ng mga lupa ang mga tao at  ang mga kaugaliang magmungkahi nito. Ang pag-ibig ni Kristo ang nagbunsod sa akin: Ito ang iyong panuntunan – ang kabuuan ng iyong inspirasyon, upang makamit mula kay Kristo ang lakas ng paghihikayat at ang pang-aakit ng kawanggawa.

Panalangin

O, Diyos sa pamamagitan ng pagninilay-nilay ng Krus, naikintal sa puso ni San Guido Maria Conforti ang pag-ibig upang maipalaganap ang Ebanghelyo sa lahat ng mamamayan. Sa pamamagitan Niya, ipagkaloob mo sa amin, bunsod ng halimbawa ng kawanggawa ni Kristo,na kami ay patuloy na magsikap para sa kaligtasan ng sanlibutan. Ipagkaloob Mo sa amin ang biyaya na hinihiling namin…

Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati sa Ama...