Upang magdusa para sa paghahari
Pasimula
Ang paghihirap ay isang bahagi sa buhay ni Conforti, mula sa pagkakasakit noong kanyang kabataan at paghihirap hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Ang pundasyon ng isang bagong pamilyang misyonero, ang responsibilidad ng isang Diyoses sa panahon ng kahirapan ay nangangailangan ng matinding kakayahan ng mga paghihirap. Si San Guido Maria Conforti, sa pamamagitan ng maraming mga kahirapan, ay nanatiling matatag sa pagtitiwala sa Panginoon. Mula sa mga tao at mga espirituwal na mga hamon, nakaranas siya ng batas ng trigo: ang pagkabuhay na mag-uli. Ito ang himala ng Pag-ibig.
Ang salita ng Diyos (2Cor 7:4-6; Jn 12:24-25; Att 14:22)
Lubos ang aking pagtitiwala sa inyo; lagi ko kayong ipinagmamalaki! Sa kabila ng lahat naming tinitiis, ang nadarama ko’y kaaliwan; nag- uumapaw sa puso ko ang kagalakan. Nang kami’y nasa Macedonia, hindi rin kami nakapagpahinga. Sa lahat ng pagkakataon ay naranasan namin ang matinding hirap, panunuligsa mula sa mga di-kaanib sa glesya at takot naman na nasa aming puso. Subalit ang mga naghihinagpis ay hindi pinababayaan ng Diyos; inaliw Niya kami sa pagdating ni Tito. Pakatandaan ninyo: hangga’t hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag- iisa. Ngunit kung ito’y mamatay, mamumunga ito nang sagana. Ang taong nagpapahalaga sa kanyang sarili lamang ay siyang mawawalan nito, ngunit ang taong hindi nagpapahalaga sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Pinalakas nila ang loob ng mga alagad at pinayuhang manatiling tapat sa pananampalataya. “Daranas muna tayo ng maraming kapighatian upang makapasok sa kaharian ng Diyos,” sabi nila sa mga alagad.
Salmo (25)
TUGON: Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit!
Nang lingapin tayo ni Yahweh at sa Zion ay ibalik,
ang nangyaring kasaysaya’y parang isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit!
Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
“Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!” TUGON
Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!
Kung paanong inuulan itong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, Yahweh, kami ay ibalik. TUGON
Silang tumatangis habang nagsisipagtanim,
hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan.
Silang mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis,
ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik! TUGON
Turo ni San Guido Maria Conforti
Walang gagambala sa iyo, di ka mangangamba. Palakasin ka nawa ng Krus na pasan mo at iyong maging kagalakan at ang lahat ng maaari mong makamtan. Mula sa Kanya na nag-alay ng kanyang dugo upang tubusin ang sangkatauhan, unawain mo kung papaano isakripisyo ang sarili para sa kapwa.
Nawa ang banal na biyaya ay maging kalakasan mo, ang biyayang nagbibigay kalakasan sa mga kahinaan ng tao at masabi mo na sa gitna ng paghihirap ay naguumapaw ako sa kagalakan sa lahat ng aking mga paghihirap.
Panalangin
Panginoon, tinubos mo ang mundo sa pamamagitan ng paghihirap at pagkamatay ng Iyong Anak , at ibinigay mo si San Guido Maria Conforti, ang lakas na sumailalim ng maraming paghihirap, pinanatili Mo ang kanyang tiwala sa Iyo. Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya upang matatag naming tanggapin ang paghihirap sa buhay at makipagtulungan kami sa pagpapalaganap ng Iyong Kaharian. Sa pamamagitan niya ipagkaloob sa amin ang biyaya na hinihiling namin…
Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati sa Ama...