Pangkalahatang misyon
Panimula
Ang Ebanghelyo ay may pandaigdigang layunin. Mula ng pagkabata ay naramdaman ni San Guido Maria Conforti ang pagnanais na gawing banal ang kanyang buhay para sa misyon. Sa edad na tatlumpo, natupad niya ang kanyang mapangahas na panukala na makapagtatag ng isang paaralang misyonero na ang paniniwala ay maipapalaganap ang pananampalataya upang ito ay maibabahagi at maipapahayag. Si Conforti ay nagturo na magkaloob ng bukas-palad na kakayahan at paglilingkod sa Ebanghelyo upang maging mapagkawanggawa.
Ang Salita ng Diyos (Mt 26:16-20)
Pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus. Nang makita nila si Jesus, siya’y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan. Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya’t habang kayo’y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
Salmo (116)
TUGON: Purihin si Yahweh! Pagkat ang pag-ibig na ukol sa ati’y dakila at wagas.
Purihin si Yahweh!
Dapat na purihin ng lahat ng bansa.
Siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa! TUGON
Pagkat ang pag-ibig na ukol sa ati’y dakila at wagas,
at ang katapatan niya’y walang wakas.
Purihin si Yahweh! TUGON
Turo mula Kay San Guido Maria Conforti
Ang mga paraan ng Diyos ay pamamaraan ng kabutihan at pag- ibig para sa tao na di-dapat at di-maaaring hindi magtagumpay. Iyon ang dahilan kung bakit si Hesus sa Kanyang maluwalhating pag-akyat sa langit ay pinagkalooban ng Kanyang kapangyarihan at pahintulot ang mga kasama upang ipagpatuloy ang pagpapahayg ng Mabuting Balita.
Ang mga taong ito na hinangad niyang makasama ay tinawag nyang malalapit niyang mga kaibigan at mga kapatid. Ngunit hindi ito sapat, tinawag din Niya sila upang makasama at makaisa sa kanyang paghihirap at mga kahalili sa kanyang layunin. Tinawag din silang “asin ng lupa at ilaw ng mundo”, ngunit ang katawagang ito ay hindi sapat upang sabihin ito: “Habang ang Ama ay nagbigay ng mga kapangyarihan, inuutos Ko sa inyo na humayo kayo sa lahat ng mamamayan sa lahat ng dako at gawin silang mga alagad Ko, turuan silang sundin ang lahat ng bagay na ipinag- uutos Ko at ipagpatuloy ang pagkilala sa Kanya: ang sinumang makikinig sa iyo ay makikinig sa akin, ang sinumang tumanggi sa iyo ay tumanggi sa nagpadala sa akin, ang sinumang tumanggap ay tatanggap sa aking maligayang pagdating.
Panalangin
Panginoong Diyos, nais mo na ang lahat ng tao ay mailigtas at maabot ang kaalaman sa katotohanan. Sa pamamagitan ng iyong lingkod na si San Guido Maria Conforti, pinagyaman mo ang simbahan ng mga bagong pamilyang misyonero. Palakasin mo ang iyong mga tapat na lingkod upang maipahayag sa mundo at maipabatid ang lahat sa sangkatauhan. Gawin mong mabunga ang gawain ng mga taong nagpapahayag ng Ebanghelyo ayon sa mga kabutihan ng sangkatauhan. Ipagkaloob mo sa amin ang natatanging paraan, O Panginoon, ang biyayang hinihiling namin mula sa Iyo…
Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati sa Ama...