Skip to main content

7th day novena to St. Guido M. Conforti

| Francisco Javier Beltran Aceves

Gawin ang mundong isang pamilya

Panimula

Ang Ebanghelyo ay ang pagpapahayag ng kapayapaan at pagkakasundo ng bansa. Ang salita ng Diyos ay nagbibigay buhay sa Simbahan na bagong kapatiran kay Kristo, na tinatawag upang makiisa sa kaninumang lahi at kultura. Nauunawaan ni San Guido Maria Conforti na ang misyon ng Iglesya ay upang itaguyod ang pagkakaisa at kapayapaan sa mundo. Dahil dito, nais niyang makipagtulungan para makamit ang pagnanais at ang layunin ni Kristo upang gawin ang mundo na pamilyang Kristiyano.

Ang Salita ng Diyos (Jn 12:5-52; 17:20-21; Ef 4:5-6)

Hindi lamang sila ang idinadalangin ko; idinadalangin ko pati ang mga mananalig sa akin dahil sa pahayag ng aking mga tagasunod. Ama,  maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang mga tao sa daigdig ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin. Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.

Salmo (121)

TUGON: Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh!

Ako ay nagalak nang sabihin nila:
"Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh."
Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem. 
Itong Jerusalem ay napakaganda,
matatag at maayos na lunsod siya. TUGON

 

Dito umaahon ang lahat ng angkan,
lipi ni Israel upang manambahan,
ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan,
pagkat ito'y utos na dapat gampanan. TUGON

Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.
Ang kapayapaan nitong Jerusalem,
sikaping kay Yahweh ito'y idalangin:
"Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain. TUGON

Pumayapa nawa ang banal na bayan,
at ang palasyo mo ay maging tiwasay."
Alang-alang sa kasama at pamilya ko,
sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito:
"Ang kapayapaa'y laging sumaiyo." TUGON

Dahilan sa bahay ni Yahweh, ating Diyos,
ang aking dalangi'y umunlad kang lubos. TUGON

Turo Ni San Guido Maria Conforti

Nabasa natin sa ebanghelyo na isang araw ang Panginoong Hesus ay tumingin sa karamihan ng tao na nakapalibot sa Kanya at sinabi: mayroon iba pang tupa na kabilang sa akin na wala dito. Dapat ko bang muling himukin ang mga ito, makikinig sila sa aking tinig, at sila ay magiging isang kawan na may isang pastol.”

Ang mga malungkot na sinabi ng Banal na Tagapagligtas na ipinahiwatig ng kanyang kabutihan para sa kaligtasan ng kaluluwa ay narinig ng mga taong handa nang sundin ang tawag ng Diyos. Ito ay isa sa malaking suliranin na dapat malutas sa ngayon, dahil ang lahat ng mamamayan ay may karapatan sa kaligtasan. Nais ni Hesus na ang lahat ng mga tupa ay nasa kanyang pagkakandili, tupa na hindi nagkahiwa-hiwalay sa mundo, hindi ang taong ito o yaon, ang bansang ito o iba pa kundi ang buong mundo.

Panalangin

Lumahok sa pangangaral ng Ebanghelyo, itaguyod ang kapatiran ng inyong Simbahan at kapayapaan sa mga mamamayan. Sa pamamagitan ng inyong lingkod San Guido Maria Conforti, mabubuo sa simbahan ang bagong pamilya na naglilingkod sa sangkatauhan. Pagkalooban mo na ang Iyong mga salita ay maitala sa kultura ng buong mundo bilang pagpapalaganap ng pagkakaisa at kapayapaan. Ipagkaloob din sa amin ang biyaya na hinihiling namin sa Iyo...

Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati sa Ama...