Ang espiritu ng pamilya
Panimula
Ang manidigan para kay Kristo ay magiging paraan upang makapasok sa bagong pamilya, ang Simbahan, ang sambayanan na ang banal na utos ay pagmamahal sa isa’t isa.
Ang marubdob na buhay ng sambayanan ay isang patotoo ni Kristo at ng Ebanghelyo. Tinawag ng Obispo Conforti ang kanyang mga misyonero na gawin ang “misyon ng sama-sama.“ Itinuro niya sa mga ito ang “kawanggawa sa anumang paraan” para sa pamilyang kinabibilangan nila, isang marubdob at mapagbigay na pagmamahal bilang patunay ng katapatan at pagsaksi sa kaganapan ng paghahari ng Diyos.
Ang salita ng Diyos (Act 4:32-35)
Nagkakaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuturing ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang kinakapos sa kanila sapagkat ipinagbibili nila ang kani-kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay dinadala nila sa mga apostol. Ipinamamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa.
Salmo (132)
TUGON: Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid.
Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid,
ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid! TUGON
Langis ng olibo, ang nakakatulad at nakakawangis,
sa ulo at balbas nitong si Aaron kapag ipinahid,
umaagos ito't nababasa pati ang suot na damit. TUGON
Katulad din nito'y hamog sa umaga, sa Bundok ng Hermon,
hamog na dumilig sa dakong maburol na Bundok ng Zion;
sa lugar na ito, nangako si Yahweh,
ang pangakong buhay na mananatili.TUGON
Turo ni San Guido Maria Conforti
Magkaroon kayo ng pag-ibig sa isa’t isa, maging ugnayan ang inyong mga puso sa bawat isa upang maging isang puso at isang diwa na maaari mong maibahagi ang magkatulad na kaligayahan at kalungkutan. Humayo kayo at ipangaral ang sambayanang kapatirang ipinahayag sa pamamagitan ni Kristo, kapatirang nakatakdang alisin ang mga hadlang upang gawin ang mundong isang pamilya na walang nasisira na pagkamamamayan, na may karapatan, nagkakaisa sa pamamagitan ng mga buklod na maka- Kristiyanong kawanggawa.
Panalangin
Ama Namin, sa pamamagitan ni Hesus na Iyong minamahal na Anak, natagpuan mo ang isang pamilya sa isang malaking bilang ng mga bata. Pagkalooban mo ang simbahan ng Espiritu ng pagkakaisa at kapayapaan. Ibinigay mo sa amin ang mga halimbawa ni San Guido Maria Conforti, upang magkasama-sama, nang sa gayon ay masasaksihan namin ang pagdating ng Iyong kaharian sa mundo. Sa pamamagitan ng iyong lingkod, ipagkaloob mo ang biyaya na aming hinihingi…
Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati sa Ama...