Skip to main content

Pagninilay tungkol sa Ebanghelyo ng Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon K

| Byamungu Mahanga Augustin

Pagninilay-nilay tungkol sa Ebanghelio ni San Lukas 1:1-4; 4:14-21. 

Isang buwan na mula nang dakilang kapistahan ng pasko ng pagsilang ni Jesus. Mula noon, ipinakikita sa ating ng mabuting balita ang katauhan ni Jesus na ating Panginoon, mula sa kaniyang pagiging sanggol hanggan sa pagsisimula ng kaniyang ministeryo. Noong isang linggo na kapistahan ni Santo Nino, nakita natin si Jesus na 12 taon na at nagpaiwan sa templo sa Jerusalem kasama ng mga guro upang makinig at magtanong sa kanila. ”Namangha sa kaniyang katalinuhan ang lahat na nakarinig sa kaniya“(Lk 2: 46-47). Lalo na, narinig natin kung paano siya lumaki sa kaniyang pamilya nang may pagkamasunurin sa kaniyang magulang... At ngayon sa Ebanghelyo, pumapasok siya sa sinagoga at nakatayo upang magbasa ng hula ni Isaias na tinutupad sa kaniya. Nasa pagsisimula pa ng kaniyang ministeryo siya.

Ano kaya ang pakiramdam ng magulang ni Jesus? Syempre, masaya sila makita ang gawa ng Dios sa buhay ng kanilang anak. Tinuruan nila si Jesus ng pagdarasal, pangreligyosong tradisyon… at ikinakasiya nila ngayon ang resulta ng pagpapalaki nila sa kanilang anak. Nararamdaman din sana ng magulang ng mga pari ang parehong pakiramdam sa ordination ng kanila mga anak sa pagkasacerdote o pag nagmimisa sila. Tunay, gusto makita ng lahat ng magulang ang pagkamabunga ng kanilang mga anak. Sa kasamaang palad, maraming magulang ang dumaraing sa kawalan ng pakialam ng mga bata sa pagdarasal at sa pangreligiosong bagay. Gusto ng mga bata maging malaya sa kanilang magulang at ayaw nila magdasal magkasama o isama sa kanilang mga magulang sa pagsisimba. Ito ang hamon sa mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Kahit dito, hindi dapat tumalikod ang mga magulang sa kanilang tungkulin. Makikita natin kung meron pa ibang paraan upang tulungan ang mga anak na walang bahala sa panalangin, sa pagsimba o sa mabuting asal. Pakikikuha natin muna ang pananaw mula kay Jesus sa Ebanghelio ito.

Narinig natin na pumasok si Jesus sa sinagoga at ibinigay sa kaniya ang aklat ni propeta Isaias upang basahin. Tapos, nilulom niya ang kasulatan at nakaupo, sinabi niya : "natupad ngayon ang bahaging ito ng kasulatan…" Ang buhay ni Jesus ay nababatay sa katuparan ng salita ng Dios, hindi lamang sa salita, pero sa gawa rin. Samakatuwid, hindi siya napapagod ipahayag ang salita ng Dios at ipinakikita ang pag-ibig ng Dios sa mga tao. Hinahawakan niya ang mga may sakit at pinagagaling sila; nilalapitan niya ang mga makasalanan at pinapatawarin sila. Lahat ito ay pagtupad ng salita ng Dios. Sa atin din, dapat punuin ng salita ng Dios ang ating gawa. Dapat tuparin ang salita ng Dios sa ating buhay. Ito ang pananampalataya na napapaloob sa pagtangap, pagtitiwala at pagsasabuhay ng salita ng Dios.

Samakatuwid, sa mga magulang, kailangan ang malalim na pananampalataya upang tulungan ang mga kanilang anak na walang pakialam sa relihiyon o sa kabutihang-asal. Maaari sana tulungan ang mga bata hindi lamang ng pagdarasal ng magulang, kundi paggawa ayon sa salita ng Dios rin araw-araw. Maaaring papagsampalatayahin  ang mga anak sa pamamagitan ng tunay na pag-ibig, pakikinig sa isat-isa, at iba pang kristianong kaugalian. Kailangan isabuhay ang salita ng Dyos.