Skip to main content

Pangkwaresma Pagpapakasakit at Paglalakbay Sinodal

| Translated by Aurora Geronimo

Ang mensahe ng Santo Papa Francis para sa panahon ng Kuwaresma 2023

Pangkwaresma pagpapakasakit at paglalakbay sinodal

Mga minamahal na Kapatid,

Ang Ebanghelyo nina Matteo, Marcos at Lukas, lahat ay nagpapahayag ng bahagi ng Pagbabagong Anyo ni Jesus. Doon ay nakita natin ang sagot ng Panginoon sa kabiguan ng mga disipulo na maunawaan Siya. Dati pa ay nagkaroon na nang totoong salungatan sa pagitan ng Panginoon at ni Simon Pedro na, pagkatapos na ipahayag ang paniniwala kay Jesus bilang Kristo, ang anak ng Diyos ay tinanggihan ang kanyang hula sa pagpapakasakit at Krus. Mahigpit siyang sinaway ni Jesus. “Lumayo ka Satanas”, hadlang ka sa aking landas, ang iniisip mo ay hindi sa Diyos, kundi sa tao.(Mt. 16:23) Kasunod nito, pagkatapos ng anim na araw, dinala ni Jesus sina Pedro, Santiago at kapatid na si Juan at dinala sa mataas na bundok. (Mt. 17:1)

Ang Ebanghelyo ng Pagbabagong Anyo ay ipinahahayag taun-taon sa Ikalawang Linggo ng Kuawaresma. Sa panahong ito ng liturhikal, dinadala tayo ng Panginoon kasama Niya sa isang lugar na malayo. Samantala ang ating karaniwang pangako ay pinipilit tayong manatili sa ating karaniwang mga lugar at ang palagi nating pag-uulit at kung minsan ay nakakainip na gawain, sa panahon ng kwaresma, tayo ay inaanyayahan na umakyat sa “mataas na bundok”, na kasama ni Jesus at upang mabuhay sa isang partikular na karanasang disiplinang spiritual - “ascesis”- bilang Banal na Biyaya ng Diyos.

Ang penitensya ng kwaresma ay isang pangako, na napapanatili ng grasya, upang madaig ang kawalan ng pananampalataya at ang ating pagtutol sa pagsunod kay Jesus sa Daan ng Krus. Ito mismo ay kailangan nina Pedro at ng mga disipulos na kailangang gawin, upang mapalalim natin ang ating kaalaman sa Panginoon, upang lubos na maunawaan at yakapin ang misteryo ng kaligtasan, nakamit sa kabuuan ay pagbibigay sarili na binigyang sigla ng pagmamahal, hayaan natin ang ating sarili na itabi sa Kanya at alisin sa ating sarili sa kapangkaraniwanan at walang kabuluhan. Kailangan nating maghanda sa ating paglalakbay sa pataas na landas, katulad ng paglalakbay sa bundok. Nangangailangan ng pagsisikap, sakripisyo at konsentrasyon. Ang mga kinakailangang ito ay mahalaga rin sa paglalakbay sinodal, kung saan bilang Simbahan, tayo ay nangangako na gagawin. Makikinabang tayo ng malaki sa sumasalamin na ugnayan sa pagitan pangkwaresma penitensya at karanasang sinodal.

Sa kanyang “retreat” sa Bundok ng Tabor, dinala ni Jesus ang tatlong alagad na hinirang upang maging saksi sa isang natatanging kaganapan. Nais Niyang ang karanasang ito ng biyaya ay maibabahagi, hindi nag-iisa katulad ng ating buhay pananampalataya, na isang karanasan na ibinahagi. At sa ganitong pagkakaisa na sumusunod tayo kay Jesus. Sama-sama rin, bilang isang Simbahang manlalakbay sa ngayon, naranasan natin ang taong liturhikal sa kwaresma sa loob nito, lumalakad kasabay ng mga pinili ng Panginoon. Kasama ng mga inilagay sa atin bilang mga kapwa manlalakbay. Katula ng pag-akyat ni Jesus at ng mga disipulos sa Bundok ng Tabor, masasabi natin na ang ating pang-Kwaresmang paglalakbay ay “synodal”, dahil magkasama tayo sa iisang landas bilang disipulo ng isang Panginoon. Dahil alam natin na si Jesus mismo ay ang daan, samakatuwid, ang paglalakbay liturhikal at sa paglalakbay Sinod, walang ginagawa ang Simbahan kundi ang pumasok nang mas malalim at ganap sa misteryo ni Kristo na tagapagligtas magpakailanman. At sa gayon, ay dumating tayo sa kasukdulan nito.

Ang Ebanghelyo ay nauugnay na si Jesus ay nagbagong anyo sa harap nila, “nagliwanag na parang araw ang Kanyang mukha at nagniningning sa kaputian ang Kanyang damit” (Mt 17:2) Ito ang summit, ang layunin ng paglalakbay. Sa pagtatapos ng kanilang pag-akyat habang nakatayo sila sa kaitaasan ng bundok kasama ni Jesus, ang tatlong alagad ay binigyan ng biyaya na makita Siya sa kanyang kaluwalhatian, nagningning sa kahima-. himalang liwanag. Ang liwanag na yaon ay di nanggaling sa kawalan, ngunit nagningning mula mismo sa Panginoon. Ang banal na kagandahan ng pangitain ito ay hindi maihahambing na higit sa lahat ng pagsisikap ng mga disipulos sa pag-akyat sa Tabor. Sa anumang mabigat na guhit ng bundok, dapat nating panatilihing matatag ang ating mga mata sa landas, ngunit ang panorama na nagbubukas sa huli ay nakamangha sa amin, at nagbigay ng gantimpala sa atin sa kadakilaan nito. Kaya masyadong mahirap ang proseso ng sinodal, maaaring madalas a sinasabing mahirap, at kung minsan maaari tayong masiraan ng loob. Ngunit ang naghihintay sa atin sa katapusan, ay walang alinlangan na isang kamangha-manghang bagay, na tutulong sa atin na mas mauunawaan ang kalooban ng Diyos, at sa ating misyon sa paglilingkod sa kaharian.

Ang karanasan ng mga disipulo sa Bundok ng Tabor ay mas lalong nagpayaman nang, sa tabi ng nagbagong anyong si Jesus, lumitaw sina Moises at Elias, nasasaad yan sa pagkabanggit Ang Batas at Mga Batas ng Propeta (Mt. 17:3) Sa pagiging bago ni Jesus ay kasabay nito ang katuparan ng sinaunang Tipan at pangako, ito ay hindi maihihiwalay sa kasaysayan ng Diyos kasama ng Kanyang bayan at inilalahad ang mas malalim na kahulugan nito. Sa katulad na paraan ang paglalakbay na sinodal ay nakaugat sa tradisyon ng Simbahan at kasabay nito ang bukas sa pagbabago. Ang tradisyon ay isang mapagkukunan ng inspirasyon para sa paghahanap ng mga bagong landas at para sa paghahanap ng mga bagong “landas at para sa pag-iwas sa salungat na tukso ng kawalang kilos at madaliang page-eksperimento.

Ang pangkwaresmang paglalakbay ng pagpapakasakit at ang paglalakbay ng Sinod ay parehong may layunin ng pagbabagong anyo, “personal at ecclesial”. Isang pagbabagong anyo ni Jesus at nakamit sa biyaya ng misteryo ng Paskua. Kaya ang pagbabagong anyong ito ay maging katotohanan sa atin sa taong ito. Gusto kong magmungkahi ng dalawang “landas” na susundan upang makaakyat sa langit kasama si Jesus at kasama-sama Niya upang makamit ang layunin.

Ang unang landas ay may kinalaman sa utos ng Diyos Ama ay nakalaan sa mga alagad ng Bundok Tabor, habang sila ay nagmumuni-muni, iniisip nila si Jesus na nagbagong anyo. Sabi ng tinig mula sa ulap “makinig sa Kanya” (Mt.17:5). Ang unang panukala nga ay napakalinaw. Kailangan nating makinig kay Jesus. Ang kwaresma ay panahon ng biyaya, sa lawak na kailangan nating makinig sa Kanya at Siya ay magsasalita sa atin sa Liturhiya. Nawa ang mga salita ay di mahulog sa mga bingi, kung di tayo madalas makattend ng misa, pag-aralan natin ang araw-araw na pagbabasa ng Bibliya, kahit sa tulong ng internet. Bilang karagdagan sa Banal na Kasulatan, ang Panginoon ay nakikipag-usap sa ating mga kapatid laluna sa mukha at kwento ng mga nangangailangan. Hayaan mong magsabi pa ako na mahalaga sa pagproseso ng Sinodal: Sa pakikinig kay Kristo, ay madalas na nangyayari sa pakikinig natin sa ating mga kapatid sa Simbahan. Ang ganitong pakikinig sa isa’t isa sa ilang yugto ay ang pangunahing layunin. Ngunit ito ay nananatiling palaging kailangang-kailangan sa pamamaraan at istilo ng isang simbahang sinodal.

Nang marinig ang boses ng Ama ang mga disipulos ay “nagpatirapa at labis na natakot, ngunit lumapit si Jesus at sila’s hinipo at sinabi, ‘Bumangon ka at huwag matakot.’ At nang imulat ng mga disipulo ang kanilang mga mata, wala silang nakita kundi si Jesus” (Mt. 17:6-8). Ito ang pangalawang proposal para sa Kwaresma: Huwag magkubli sa pagiging relihiyosa na binubuo ng mga pambihirang pangyayari at mga dramatikong karanasan dahil sa takot na harapin ang realidad at ang araw araw nitong pakikibaka, ang hirap at kontradiksyon nito. Ang liwanag na ipinakita ni Jesus sa mga alagad ay isang pag-asam ng kaluwalhatian ng Pasko ng Pagkabuhay at iyon ang dapat na layunin ng ating sariling paglalakbay habang tayo ay sumusunod sa Kanya “nang mag-isa”. Ang kwaresma ay humantong sa Pasko ng Pagkabuhay. Ang “retreat” ay hindi isang paraan ng paghahanda upang maranasan ang Pasyon ng Panginoon at Krus ng may pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig at sa gayon ay makarating sa muling pagkabuhay. Gayundin sa paglalakbay ng sinodal, kapag ang ilang makapangyarihang karanasan ng pakikipagkaisa. Hindi natin dapat isipin na nakarating na tayo sapagkat doon din inuulit sa atin ng Panginoon. “Bumangon ka, at huwag kang matakot.” Bumaba tayo, kung gayon, sa kapatagan at nawa ang biyayang nararanasan nating palakasin ang ating pagiging “artisans of synodality” sa ordinaryong buhay ng ating mga komunidad.

Minamahal na mga Kapatid, nawa’y bigyang inspirasyon at suportahan tayo ng Espiritu Santo nitong ipinahiram sa ating pag-akyat kasama ni Jesus upang maranasan natin ang kanyang banal na karilagan at sa gayon, mapatunayan sa ating paglalakbay kasama Niya, kaluwalhatian ng Kanyang Bayan at liwanag ng mga bansa.

Rome, Saint John Lateran, 25 January, Feast of the Conversion of Saint Paul

FRANCIS